DOH employee, natagpuang patay

MALAKI ang hinalang atake sa puso ang ikinamatay ang isang 54 anyos na kawani ng Department of Health (DoH) sa Sampaloc, Maynila.

Nasa state of decomposition na ang katawan ng  biktima na si Bayani Guevarra, 54, empleyado ng Department of Health (DOH) (Marikina Office), at nakatira sa No. 517 Cristobal st., Sampaloc, Maynila nang matagpuan.

Malaki ang hinalang inatake sa puso ang isang 54 anyos na kawani ng Department of Health (DoH.

Ayon kay  P/Sr., Insp. Joey De Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:10 ngayong hapon nang matagpuan ang biktima na walang buhay sa loob ng bahay nito sa Sampaloc.

Hinihinalang may tatlong araw na itong patay bago pa man natagpuan dahil nangangamoy na at malambot na ang katawan ng biktima.

Ilang residente sa lugar ang nakaamoy umano ng masansang na amoy na nagmumula sa tinutuluyan ng biktima kaya agad na ipinagbigay alam sa kanilang barangay dahilan upang sapilitang sirain ang pintuan ng kanyang bahay  at doon tumambad  ang bangkay ng biktima.

Bagamat sinasabing may iniindang sakit sa puso at hypertension ang biktima na posible dahilan ng kanyang pagkamatay, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply