DOH, inalerto ang mga paliparan vs sakit mula Cambodia

INALERTO na Department of Health (DOH) ang pamunuan ng Bureau of Quarantine na mahigpit na tutukan ang posibleng pagpasok sa bansa ng isang nakamamatay na sakit buhat sa bansang Cambodia.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, inatasan na niya ang naturang ahensya upang higpitan ang pagsasagawa ng ‘routine screening procedure’ sa lahat ng mga paliparan sa bansa upang hindi makapasok dito ang naturang sakit.

Tinawag itong ‘fatal respiratory syndrome’ na pumatay ng 60 mga kabataan sa Cambodia na ang karaniwang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat.

Ngunit paglilinaw ng kalihim, hindi pa rin ipinagbabawal ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagbiyahe sa nasabing bansa ngunit pinayuhan na lamang ang mga nagnanais pumunta rito na mag-ingat upang hindi mahawahan ng misteryosong sakit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply