DOH nakalaerto sa fatal respiratory disease sa Cambodia

NAKAALERTO ngayon ang Department of Health (DOH) kasunod ng outbreak ng fatal respiratory syndrome sa Cambodia, na karamihan sa mga nabiktima ay mga bata.

Nabatid na inatasan ni Health Secretary Enrique Ona ang Bureau of Quarantine na maging vigilante sa pagsasagawa ng routine screening procedures sa lahat ng international airports sa bansa.

Kabilang sa pinatututukan ni Ona ay yaong mga in-bound travelers na may lagnat.

Kaagad namang nilinaw ni Ona na walang travel restriction na papasok at palabas sa Cambodia sa kabila nang pangamba sa tinatawag na ‘Cambodia respiratory disease.’

Tiniyak rin naman ng Kalihim na masusing iminu-monitor ng DOH ang sitwasyon sa pamamagitan ng National Epidemiology Center (NEC).

“We are more vigilant in screening passengers at the country’s international airports because of this latest news and there will be no let up until this has been contained,” pagtiyak naman ni Ona.

Nabatid na batay sa impormasyon na ipinaabot sa Pilipinas ng World Health Organization (WHO), may 60 bata na ang nasasawi dahil sa sakit sa loob lamang ng wala pang pitong taon.

Natukoy na rin umano ng Ministry of Health ng Kingdom of Cambodia ang may 74 na suspect patients na tinamaan ng lagnat na may kasamang respiratory o neurological symptoms mula Abril hanggang Hunyo ng taong ito.

Iniulat na rin ng Cambodian Ministry na nakapagtala na sila ng 56 deaths sa 57 pasyente na naospital sa Phnom Penh at apat na patay sa Siem Reap.

Sinasabing kaagad na binabawian ng buhay ang mga pasyente matapos ang mabilis na respiratory deterioration at nagaganap ito sa loob ng 24 oras kahit pa naka-confine na sa pagamutan ang pasyente.

“Although a causative agent remains to be formally identified, all (available) samples were found negative for H5N1 and other influenza viruses, SARS, and Nipah virus,” anang report ng WHO.

Wala pa rin naman umanong senyales na may mga hospital staff na nag-alaga ng mga pasyente na nahawa ng sakit.

Hindi pa malinaw kung paano naihahawa ang sakit ngunit hinimok na umano ang mga Cambodian na obserbahan ang kanilang personal hygiene at palagiang maghugas ng kamay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply