DOH:Pamamaga ng utak ikinamatay ng 60 bata sa Cambodia

HINDI isang uri ng hand ,foot and mouth disease (HFMD) ang sakit na ikinamatay ng halos 60 bata sa Cambodia.

Ito  ang nilinaw ngayon ng Department of Health (DOH) kung saan sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na neurological complication dulot ng tinatawag na nterovirus 71 (EV-71) ang dumapo sa mga batang namatay.

Ito, aniya, ay ang infection na neurological o pamamaga  sa utak.

Sinabi pa ni Tayag na ang virus ay nasa bituka at nailalabas ito tuwing dumudumi ang tao ngunit ang virus aniya ay maari maipasa mula sa taong may ubo at sipon.

EV-71, laganap din sa bansa

NILINAW ni Dr. Tayag  na hindi lamang sa Cambodia  lumalagap ang sakit na dulot ng Enterovirus 71 kundi maging Sa Pilipinas ay meron in.

Ayon kay Tayag, mayroon mga kaso ng Enterovirus 71 taon taon na narereport subalit mild diseases lamang ito.

Ngunit paglilinaw ng opisyal na ang virus sa Plipinas ay isa lamang hand,foot and mouth disease di tulad sa Cambodia na neurological syndrome ng Enterovirus  ang dumapo sa kanila.

Gayunman,aminado si  Tayag na  posibleng lumala ang naturang sakit na idinudulot ng EV-71  sa bansa kahit pa walang dumayo dito na taga Cambodia na infected  .

Kung maging mabagsik, aniya, ang virus posible din tamaan ng neurological syndrome ang mga batang Pinoy lalo pa kapag mahina ang katawan nito.

Sa ngayon ay patuloy na nakamonitor ang DOH sa posibleng mga virus na dumapo sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply