DOJ namudmod ng P17.7M halaga ng sasakyan sa prosecutors

UMAABOT sa P17.757M mga sasakyan ang ipinagkaloob ng Department of Justice (DOJ) sa mga regional prosecutors ngayong umaga (july 9).

Ang nasabing halaga ay ibinili nang may 20 Toyota Innova para sa mga regional prosecutors at senior prosecutors ng DOJ.

Bago ang pamamahagi, inihilera muna sa labas ng bakuran ng kagawaran upang mapabendisyunan bago ito ipamahagi sa 15 regional prosecutors at 5 senior deputy state prosecutors.

Nabatid na binili ng DOJ ang nabanggit na sasakyan sa Toyota, Makati.

Bukod sa 20 crossover utility vehicle, bumili rin ng dalawang Hino bus ang DOJ na nagkakahalaga ng P7, 360, 000.00.

Diniliver naman ang naturang mga sasakyan sa kagawaran matapos na makapaghain ng performance security ang Toyota Makati at Pilipinas Hino na naggagarantiya ng payment of security bilang multa sakaling lumabag ang contractor sa kanilang obligasyon.

Una rito, noong Marso 2012, ay bumili ang DOJ ng 8 units ng passenger vans na nagkakahalaga ng P9.584-M .

Idinepensa naman ni Justice Secretary Leila de Lima na luma na ang mga sasakyan ng mga regional prosecutor at ilang state prosecutors ng DOJ kaya dapat ng palitan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply