DOJ: Sasakyan sa iligal na troso, maaring kumpiskahin

MAARI umanong kumpiskahin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga sasakyan na ginamit sa pagbiyahe ng mga iligal na troso.

Iyan ay batay sa 15-pahinang legal opinion na ipinalabas ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay de Lima, hangga’t nananatiling may bisa ang Section 68-A ng Revised Forestry Code ay maari ding iutos ng DENR ang pagkumpiska sa mga sasakyan na ginamit sa pagbiyahe ng mga iligal na troso.

Nakasaad sa nasabing probisyon na bukod sa pagsamsam sa mga iligal na troso, maari ding kumpiskahin ng DENR maging ang sasakyan na ginamit sa transportasyon ng nasabing mga kargamento, iyon man ay sasakyang-pandagat, panglupa o panghimpapawid.

Ang nasabing legal opinion ay ipinalabas bilang tugon sa legal question na umusbong mula sa operasyon ng Environmental and Wildlife Protection Investigation Division ng NBI sa Pier 16 sa North Harbor sa Maynila.

Sa nasabing operasyon, 55 mga containver van na hinihinalang naglalaman ng mga good lumber na patagong ibiniyahe mula sa Davao patungo ng Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply