DOJ: Taas singil sa road users tax, ligal

MAARI nang taasan ang singil sa Motor Vehicle Users Charge (MVUC)  .

Ito ay matapos na magbigay ng go signal ang Deparment of Justice sa Department of Finance (DOF) at ang Road Board  na ituloy  ang panukalang pagtaas ng singil sa MVUC.

Nilinaw ni Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang 4 na pahinang legal opinion na walang legal na balakid sa plano ng DOF at Road Board na mangulekta nang mula 30-percent  hanggang 40% mula sa mga may-ari ng mga behikulo.

Ayon pa kay De Lima, walang lalabaging batas si Road Board Executive Director Adolfo Escalona sa pagtaas ng singil sa road users tax.

Sinabi ni De Lima na maiiwasan ang matinding epekto ng pagtataas sa road users tax kung unti-unti o staggered ang paniningil.

“The adoption of a staggered collection will definitely cushion the economic impact or render least cumbersome the implementation of the proposed increase in MVUC rates,” paliwanag sa legal opinion ni De Lima.

Gayunman, depende pa rin, aniya, sa uri ng  motor vehicle  ang pagpataw ng taas sa singil.

Ipinanukala ng DOF ang rate increase sa MVCU  para na rin umano matugunan ang tumataas na halaga ng maintenance sa mga pambansang lansangan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply