DOLE nagbabala sa mga bus company

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring mataggalan ng pragkisa ang mga bus company na hindi sumusunod fixed salary na itinakda para sa mga driver at konduktor.

Ginawa ang pagpapaalala ng Dole matapos na dalawa pa lamang sa mga bus company ang tumugon sa inimplementong kautusan na nagsimula noong Hulyo 1.

Pinaliwanag ni Atty. Alan Macaraya, director ng DOLE-NCR noong July 3, 2012, kabilang sa mga sumunod sa bagong patakaran ay ang Safeway Bus Lines at Franvill Transit.

Ayon kay Atty. Macaraya, nakatugon ang dalawang kompanya sa Department Order 118-12 na nagtatakda ng panuntunan sa kondisyon sa paggawa ng mga driver at kundoktor na nasa industriya ng public utility bus transport.

Batay sa kautusan, kabilang sa mga requirements ang pagkakaroon ng fixed salary rate, social security benefits at pagtiyak sa occupational health and safety ng mga driver at konduktor ng bus kung saan hindi na sila papayagan na magtrabaho ng lagpas sa 12 oras kada araw.

Walong kompanya ng bus naman ang mabibigyan ng certificate of compliance sa susunod na linggo sa sandaling makumpleto na nila ang pagtugon sa panuntunan.

Ayon pa kay Macaraya, mayroon silang walong composite team na ipinakalat para inspeksyunin ang mahigit sa 150 kompanya ng bus sa Metro Manila at matiyak na sila ay sumusunod sa panuntunan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply