Dolphy nasa ABS-CBN na; public viewing mamayang gabi

DUMATING na sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang labi ni Comedy King Dolphy.

Ang labi ng Hari ng Komedya ay idinaan muna sa bahay nila ng long time live-in partner na si Zsa Zsa Padilla.

Dagsa na ngayon ang mga tagahanga ni Tito Dolphy, tawag sa kanya ng mga taga-showbiz industry, sa audience entrance ng nasabing network bitbit ang kanilang mga memorabilia ng Comedy King.

Maging ang mga executive ng network, ilang kamag-anak at ilang celebrity ay nasa Dolphy Theater na rin upang magbigay-pugay sa namayapang aktor.

Mamayang alas-9:00 ng gabi bubuksan ng istasyon ang burol sa publiko.

Ang Dolphy Theater ay ipinangalan ng naturang network sa Hari ng Komedya bilang pagkilala sa mga naiambag nito bilang mahusay na aktor at komedyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply