Dolphy, pumanaw na!

NALUNGKOT ang sambayanang Filipino sa pagpanaw kahapon ng tinaguriang King of Philippine comedy na si Dolphy ilang araw bago ang kanyang 84th na kaarawan.

Kinumpirma ng kanyang asawang si  Zsazsa Padilla na pumanaw na si Dolphy o Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa tunay na buhay sa ganap na 8:40 kagabi sa Makati Medical Center.

Si Dolphy ay ipinanganak noong July 25, 1928 sa Tondo, Maynila.

Matatandaang naging maselan ang kundisyon ng kalusugan ng aktor nang dapuan itong muli ng Pneumonia.

Napaulat din na nitong nakalipas na araw ay medyo bumuti ang pakiramdam ng komedyante matapos sumailalim sa dialysis at iba pang treatment at panay ang bigkas nito sa salitang “uwi na.”

Napag-alaman na una nang hiniling ng pamilya ng komedyate na sa bahay na lamang ituloy ang treatment kay Dolphy subalit hindi ito pinagbigyan ng kanyang doktor.Sa halip ay inabisuhan ito na magpahinga lang ng husto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply