Domestic, int’l flights, nag-divert sa Clark

SANHI ng napakalakas na ulan dulot ng bagyong Gener, ilang domestic at international flights patungong Manila ang pwersadong nag-divert sa Clark, ayon sa Manila International Airport Authority MIAA).

Hindi na nagawang makalapag sa Ninoy Aquino International Airport ang mga flight na galing sa ibang bansa dahil sa sama ng panahon.

Sa advisory na inilabas dakong alas-7 ng umaga ng Lunes, sinabi ng MIAA na ang Asiana Airlines flight OZ-705 (Busan-Manila) na dapat ay lalapag sa NAIA terminal 1 ay nag-divert sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).

Sa NAIA terminal 2, anim na Philippine Airlines (PAL) international flights ang na-divert at na-delay. Mga PAL flights na lumapag sa DMIA ay PR-469 (Incheon to Manila), PR-417 (Pusan to Manila); PR-512 (Singapore to Manila), at PR-311 (Hong Kong to Manila). Mga na-delay ay PR-104 (Manila-San Francisco-Manila) at PR-466 (Manila-Incheon).

Habang ang domestic flight PR-822 (Davao-Manila) ay na-divert din sa DMIA, at ang flight PR-856 (Cebu-Manila) ay nabalam.   Sa terminal 3, dalawang AirPhil Express domestic flights 2P-937 (Cebu-Manila) at 2P-988 (Davao-Manila) ay napilitan ding mag-divert sa DMIA.

Samantala, ilang international flights sa NAIA 3 ay apektado rin ng masamang panahon. lumapag doon ang Cebu Pacific Air (CEB) flights 5J-143 (Hong Kong to Manila), 5J-363 (Macao to Manila), 5J-311 (Taipei to Manila), 5J-258 (Cambodia to Manila).

Na-delay din ang CEB flights 5J-678 (Manila to Shanghai), 5J-195 (Incheon to Manila), 5J-751 (Manila to Saigon), 5J-190 (Manila to Incheon).

Nabalam naman ang pagdating ng airPhil Express flight 2P-801 (Singapore to Manila). Sa lumang Manila Domestic Airport (terminal 4), nakansela ang Zest Air flight Z2-260 patungong Masbate at ang pabalik sa Manila na flight Z2-261.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply