Domestic terminal fee, kasama na sa pagbili ng airline ticket

ISASAMA na sa pagbili ng airline tickets ang P200 para sa domestic terminal fee o Domestic Passengers Users Charge sa Agosto.

Ayon kay Manila International Airport Authority Gen. Man. Jose Angel Honrado, ang P200 na domestic terminal fee ay kinokolekta sa mga paalis na pasahero bago pumasok sa per-departure area ng paliparan.

Ipinaliwanag ni Horado na ito ay para hindi na maabala ang milyon-milyong domestic passengers para magbayad ng kanilang terminal fee.

Sa ngayon, hindi kaagad ma-phase out ang mga domestic terminal fee counters dahil marami pang may hawak ng ticket na nabili bago mag-August 1.

Sinabi pa ni Honrado na nagkaroon na ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng anim na domestic carrier na kinabibilangan ng Philippine Airlines, Cebu Pacific, Zest Air, Air Philippines, Seair, at Sky Pasada at ng MIAA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply