Don’t shoot journalists

ISA na namang kasapi ng media at kapatid nito ang nabiktima ng mga armadong suspek noong July 21, 2012 ng gabi sa Calamba City, Laguna.

Ang biktima ay si Nixon Kua, 49, kolumnista ng PILIPINO STAR NGAYON at dati ring nanilbihan sa pamahalaan noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Si Nixon Kua at ang kanyang kapatid ay binaril ng apat na armadong suspek sa labas ng bahay sa Ayala Greenfield Makiling Highland. Tinamaan ng bala sa mukha si Nixon at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Pagnanakaw ang pinaniniwalaang motibo ng mga awtoridad dahil tinangay ang handbag nito na may lamang P90,000.

Kaagad nagbigay ng pangamba at pahayag ang pangulo ng National Press Club (NPC), si sir Benny Antiporda.
“Bagamat laging handa ang NPC na tumulong sa kampanya ng gobyerno laban sa krimen, lubhang nakababahala na ang sitwasyon kung saan isa na namang kasapi ng media ang nabiktima ng mga armadong kriminal,” pahayag ni Sir Benny.

Tiniyak naman ni Chief Supt. James Melad at Laguna Police Director Sr. Supt. Gilbert Cruz na tututukan nila ang kaso.
Nanawagan din si Sir Benny sa pamunuan ng Ayala Land na repasuhin ang “seguridad” sa loob ng subdivision.

Ilang linggo lang ang nakararaan ay isa ring kasapi ng media ang ninakawan sa loob ng bahay nila na nasa loob din ng “secured” subdivision. Naging biktima si ABS-CBN reporter Jay Ruiz ng pagnanakaw. Buti na lang at hindi nasaktan ang butihing reporter at ang kanyang pamilya. Ganunpaman,  sumisigaw pa rin ng hustisya si Jay Ruiz at kanyang kaanak sa nangyari sa kanila.

Bagamat ang initial report ay pagnanakaw ang motibo ng mga suspek at hindi naman dahil sa trabaho bilang isang kawani ng media ang dahilan ng pagbaril kay Nixon at paglapastangan sa bahay ni Jay Ruiz ay hindi ibig sabihin na ligtas ang mga kawani ng media sa bansa na ang tanging adbokasiya ng hanapbuhay ay ang malayang pamamahayag. Marami-rami na rin ang mga kawani ng media ang nabawian ng buhay dahil lamang sa kanilang paglalabas ng katotohanan at paglaban sa mga kasamaan at katiwalian.

Sino nga ba ang makalilimot sa masaker ng napakaraming media people na kinasangkutan ng mga Ampatuan at hanggang ngayon ay tila milya-milya pa ang layo para makamit ang hustisya ng kanilang pamilya?

Itong ang dahilan kung bakit ang inyong lingkod at ang XITTI Productions ay gumawa ng pelikulang “DEADLINE” sa direksyon ni Joel Lamangan, upang mapaalala sa taong bayan ang karumal-dumal na pangyayaring ito sa ksaysayan. At nawa’y hindi na muling maulit ito.

Ngunit sadya talagang mapanganib ang pagigigng kasapi ng media rito sa Pilipinas. May kasabihan na “ THE PEN IS MIGHTIER THAN THE SWORD”. Sa tulong ng media ay maraming katiwalian ang nabubuko, mga kasamaan na natitiklo, at mga iskandalong nabubulgar. Hindi lamang para malaman ng taong bayan, kung hindi para matuldukan ang mga ito, managot ang mga may sala at matigil at huwag silang pamarisan.

Kung walang malayang pamamahayag sa isang bansa ay imposible magkaroon ng tinay na demokrasya. Kaya’y paki-usap “DON’T SHOOT JOURNALIST!”. Kakampi ng taong bayan ang mga media sa lahat ng panahon.

Kami ay lubos na nakikiramay sa mga kaibigan, kamag-anak at sa pamilya ni Nixon Kua. May he rest in peace.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply