Don Allado ban ng 1 conference, pinagmumulta pa

BAN ng isang conference sa Philippine Basketball Association (PBA) at pinagmumulta pa ng P500,000 si Barako Bull big man Don Allado matapos akusahan na “luto” umano ang mga laro sa liga.

Ito ang naging kaparusahan sa basketbolista dahil nasira umano ang integridad ng liga sa mga pahayag ng manlalaro.

Bago ito, dinaig ng Powerade Tigers ang koponan ni Allado sa isang do-or-die match noong Martes, Hulyo 3.

Sinuspinde ang isang refeere dahil sa non-call ng three-second violation sa import ng Powerade na si Omar Sneed.

Ipinoste ni Allado sa kanyang Twitter account na matatangap niya ang pagkatalo sa ibang koponan ngunit hindi sa referee.

“I’m the guy that says what others can’t. #PBA games are fixed. They control who is in & who is out. It’s a disgrace to be in this league,” ani Allado sa Twitter. “I am bitter about losing. Not to Powerade, but to #PBA . In my opinion, this league has little credibility left.” tweet ni Allado.

Sa kasaysayan ng liga, ang fine sa basketbolista ang pinakamalaking multa na naipataw sa isang manlalaro. Mapupunta ang bahagi nito sa PBA Players Educational Trust Fund at sa mapipiling charitable institution ni Allado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply