Donaire bagong WBO/IBF champion

WALANG nagawa si former champion Jeffrey Mathebula sa bilis at lakas ng mga kamao ni bagong WBO/IBF unified super bantamweight champion Nonito Donaire.

Kahit hamak na mas maliit ang “The Filipino Flash” kumpara sa 5’10” South African boxer ay hindi ito nagpatalo dahil agad na nagpakita ng pagiging agresibo sa ibabaw ng ring.

Ang sunod-sunod na solid straights at uppercuts ang nagpanalo kay Donaire.

Pagdating sa Round 4, agad na bumagsak si Mathebula nang mapuruhan ang boxer.

Sa scorecards, nakuha ni Donaire ang 117-110, 118-109 at 119-108 na puntos tanghaling panalo via unanimous decision.

Suot ni Nonito sa laban ang inspired customized boots ni Bruce Lee sa pelikulang “Game of Death” ng martial art legend.

Masaya naman ang mga Pinoy sa nakuhang karangalan ng boksingero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply