Donaire, next Pacquiao?

HUMAHANAP na ngayon ang local fight fans ng bagong Pinoy boxing hero dahil kupas na ang kasikatan ng boxing career ni Manny Pacquiao.

Ayon sa Philboxing, nakukuha na ngayon ni “The Filipino Flash” Donaire Jr., ang atensyon ng milyun-milyong boxing fans na unang ipinagkaloob sa 8th division champion.

“Nonito doesn’t hide the fact that he is determined to follow the path that Pacquiao has tread which means continuing his quest for more world titles, possibly six,” ayon sa kolum sa Philboxing.

Apat na world titles na ang nakuha ni Donaire mula sa iba’t ibang weight classes.

Bukod sa pagwawagi ng World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title, siya rin ang dating WBO at World Boxing Council (WBC) bantamweight, World Boxing Association (WBA) interim super flyweight and International Boxing Federation (IBF) flyweight champion.

Si Donaire ay nais ding maging junior lightweight champion tulad ng kanyang idolong orihinal na si “Flash,” Gabriel Elorde.

Nakatakda ang title unification bout ni Donaire kontra IBF champion Jeffrey Mathebula sa Hulyo 8 sa Carson City, California (Hulyo 8, Manila time).

Kakaibang pagsubok ito para kay Donaire dahil haharapin niya ang kalaban na mas matangkad sa kanya.

“Mathebula is some 3-4 inches taller with a longer reach and has said he plans to use these advantages to the hilt. Donaire is unfazed as trainer Robert Garcia welcomes the opportunity,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply