DPWH employee tusta sa sunog sa CamSur

NATUSTA ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang masunog ang kanyang bahay sa Canaman sa Camarines Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Nancy Sibulo, 57, ng Barangay Baras, nasabing bayan.

Nabatid na alas-4:18 kaninang madaling araw nang tumawag sa kanila si Reynan Rosal, asawa ng anak ng biktima kaugnay sa insidente.

Tumagal ng halos 20 minuto bago naapula ang apoy habang iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply