DPWH Sec. Singson sinabon ni Bong Revilla

MARIING kinondena ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson dahil sa kawalan nito ng aksyon na i-upgrade ang isang pangunahing kalsada sa Bacoor, Cavite na nagresulta sa pagtaas ng baha rito noong nakaraang linggo.

Ang tinutukoy ng senador ay ang pagbaha sa Aguinaldo Highway, isa sa mga pangunahing daanan mula Metro Manila patungong Bacoor at sa ibang lugar sa Cavite Province. Ang pagbaha ay lumikha ng anim na oras na pagsikip ng trapiko na ikinangitngit ng libong motorista at pasahero.

Pinuna ni Revilla ang tila pagbitin ng DPWH sa implementasyon ng mga flood-control measures sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. “Walang masama sa paniniguro sa pag-implement ng mga proyekto. Pero hindi dapat patagalin ang mga proyekto para maapektuhan pa ang kapakanan ng mga mamamayan.  Sabi nga, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,” ani ni Revilla, chairman ng Committee on Public Works.

Ipinaliwanag pa niyang mahigit isang taon na ang nakakalipas ay inalerto na niya ang DPWH hinggil sa posibleng pagtaas ng baha sa nasabing daanan at hiniling niya ang agarang paglalagay ng mga flood-control mechanisms dito.  Sa kasawiang palad aniya’y hindi ito inaksyunan.

“Napakatagal na ating hiniling na ayusin iyan pero walang silang ginawa. Hinihintay pa nila yatang maperwisyo ang publiko saka sila kikilos.”

Binigyang-diin din ng mambabatas na hindi dapat masakripisyo ang pagpapatupad ng mga kinakailangang programa ang mga anti-corruption measures at pagtitipid ng gobyerno. .“We must see to it that our infrastructure programs are not put on hold. What is the use of saving if we do not provide the necessary services to the people?”

Tinuligsa rin ni Revilla ang napaulat na pag-aaspalto ng mga manhole at drainage inlets sa Metro Manila na nagresulta sa matinding pagbaha noong nakaraang linggo. “What we experienced last week is just a low pressure area.  Paano na kung may bagyo? Baka abot leeg na ang baha,” wika pa niya.

Iginiit niya kay Singson na tiyaking matutugunan nang epektibo ang mga kapalpakan sa konstruksyon ng Aguinaldo Highway at ng iba pang pangunahing kalsada.  Dapat din aniyang siguraduhing na makukumpuni ito sa lalong madaling panahon at magiging pangmatagalan ito.

“Kung hindi pa nagbaha ay hindi mabubuko ang kapalpakang iyan. Halatang hindi minonitor iyan. Dapat i-black list ang mga kontratista. Kung kailangan sibakin ang mga DPWH official na nakatoka diyan, sibakin na,”  dagdag niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply