Drainage sa mga binahang lugar sa Maynila ipaaayos

INATASAN ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang Manila City Engineering na ayusin ang mga drainage ng mga lugar na binaha sa Maynila bagyong Ferdie.

Kabilang sa mga binaha ay ang Maceda St. sa Sampaloc, Intramuros, paligid ng Manila City Hall, TaFt Avenue, Singalong at ilang lugar sa Tondo.

Ipinahayag naman ni Jay de La Fuente, hepe ng Manila Social Welfare Department (MSWD) na “zero evacuation” sa Maynila dahil marami sa mga nakatira malapit sa baybaying dagat ay nai-relocate na nila sa Montalban.

Ayon pa kay de Fuente, sa kabila ng mga pagbaha sa Maynila ay mabilis naman itong humupa dahil naisaayos na ang maraming drainage sa Maynila.

Kaugnany nito, sinuspinde ng local na pamahalang lungsod ang klase ng lahat ng college level sa Maynila kabilang ang De La Salle, FEU, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, PCU, PWU, UST at Polytechnic University of the Philippines (PUP), UE Manila bunsod ng mga pagbaha dahil sa walang humpay na ulan simula pa kagabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply