Drive City Challenge ang karera na hindi pabilisan

AYON sa Philippine National Police-Highway Patrol Group o PNP-HG, umabot sa 85,820 ang bilang ng naitalang aksidente sa bansa noong nakaraang taon, kung saan nadamay ang higit-kulang 31,000 na tao— mahigit 1,000 rito ay namatay at angkulang-kulang 29,000 angnasaktan o na-injure.

Bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa road safety sa Pilipinas, inilunsad ng Total Philippines Corporation ang Drive City challenge.

Ang Drive City challenge ay ang kauna-unahang live traffic driving competition sa Maynila kung saan ang batayan ng pagkapanalo ay ang driving style, strategy at ang safety skills ng tsuper. Bawat driver ng sasakyan (pribado o pampubliko) ay bibigyan ng default perfect score na 100 points sa simula ng kumpetisyon; ang 100 points naito ay babawasan sa kada isang violation ng driver.

Para sa mga pampublikong sasakyan gayang bus, may mga “secret passengers” na sasakay sa kanila na siya ng magbibigay ng kanilang iskor batay sa kanila ng pagmamaneho. Para naman sa mga pribadong sasakyan, kinakailangan nilang kumpletuhin ang mga “tasks” sabawat “pit stop” na kanilang dadaanan. Hindi karera o pabilisan ang kumpetisyon; ang sinumang makatapos sa mga challenges na ng hindi lumalabag sa batas-trapiko at hindi na bawasan ang kanilang default score na 100 (o di kaya ay may bahagyang bawas lamang), ang siyang magwawagi.

Ang registration parasamgagustonglumahok ay maaaring mag log-in sa website nawww.totaldrivecity.com.

Ang Drive City challenge ay gaganapin sa August 26, araw ng Linggo, sa kahabaan ng EDSA. Ito ay sa pangunguna ng Total Philippines Corporation, MMDA, Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HG), Automobile Association of the Phillippines (AAP), Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) , Safety Organization of the Philippines Inc., (SOPI), Autohub, Nissan Motors Philippines Inc., Smart Driving School at ng Kotse.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply