Driver binaril ng dating kagalit

KRITIKAL ang isang driver matapos itong barilin ng dating kaalitan ng magkita ng una at huli  sa Northbay Boulevard, South Navotas City Sabado ng gabi, July 7.

Nakaratay at ginagamot si Jonathan De Jesus, Macenas, 27, binata, driver, ng Phase 1-A NBBS sa Jose Reyes Memorial Hospital , sanhi  ng isang tama ng kalibre 45 sa leeg nito.

Inatasan ni Supt. Florendo Quebuyen ang kanyang mga tauhan na hanapin at arestuhin ang suspek na si Rommel Ferrare, 33, ng Baltazar St., 9th Ave., Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing barangay NBBS.

Nabatid, nakasalubong ng suspek sakay ng motorsiklo  habang naglalakad ang biktima  at agad na nagbunot ng kaliber 45 at saka malapitan na binaril.

Sa pagmamadaling tumakas ng suspek  hindi napansin nahulog ang kanyang ID kaya ito ang daan para siya ay makilala ng mga awtoridad.

Nakarekober ng mga imbestigador nag isang empty shell ng kalibre 45 na ginamit ng suspek at ang identification card ni Ferrare.

Patuloy ang follow up operation ng awtoridad sa ikadarakip kay Ferrare

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply