Bus driver, konduktor isasalang sa road safety seminars

ISASALANG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )sa mandatory road safety seminars at drug tests ang mga driver at konduktor ng isang kumpanya ng  bus na nasangkot a aksidente nang rumampa ang bus sa may flyover ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) .

Ayon sa LTFRB lahat ng driver at konduktor ng Don Mariano Transport, ang isasailalim sa drug test at seminar.

Ayon pa sa LTFRB,  21 units sa 70 units na pag-aari ng kumpanya ang suspendido dahil sa nangyaring aksidente na ikinasugat ng walong pasahero ng sumadsad ang bus sa railings ng EDSA Ortigas flyover.

Ayon kay LTFRB chairman Jaime Jacob ang nasabing seminar ay gagawin sa University of the Philippines sa Quezon City .

Habang isasalang naman sa roadworthiness tests ang lahat ng bus ng kumpanya sa  Land Transportation Office   .

Bahagi pa rin ng imbestigasyon sa insidente ang ulat na mabilis ang pagpapatakbo ng driver habang itoy nagte-text kung kaya ito  naaksidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply