Noise barrage inilunsad ng PISTON sa Cubao

NAGSAGAWA ng noise barrage ang mga miyembro ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Cubao dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

Kinondena ng grupo, patuloy na pag-iral ng monopolyo at deregulasyon sa industriya ng langis sa Pilipinas na kinukunsinti at pinapanatili ng kasalukyang pamahalaang Aquino.

Dalawang linggong magkakasunod nang itinaas ang presyo ng langis. Noong Hulyo 10 ay itinaas ang diesel ng P1.40 at halos P1.50 naman sa gasolina. Simula naman kagabi ay pinangunahan ng Shell ang pagpapataw ng 50 sentimos na pagtaas sa diesel at P1 sa gasolina.

Kinondena din ni PISTON National President George San Mateo si Pangulong Noynoy Aquino dahil aniya sa dalawang taon nito sa pwesto ay naging inutil ito sa pagsugpo sa overpricing sa langis at gayundin ang lalong paghirap ng buhay ng mga tsuper at mamamayan sanhi ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at mahahalagang serbisyo gaya ng kuryente, tubig at iba pa habang lumiliit ang halaga ng kita at sahod ng mga karaniwang mamamayan.

Binigyang-diin ni San Mateo na handa ang Piston na pangunahan ang pagkakasa muli ng isang Pambansang Kilos-Protesta kapag magtuloy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng langis.

Ani San Mateo, ang ikinasa nilang noise barrage ay magsisilbing build-up protest ng Piston para sa paglahok kilos=protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply