‘Drone strike’ ng US sa M’danao, itinanggi ng AFP

TAHASANG itinanggi ngayon ng Armed Forces of the Philippines na nagsagawa ng “”Drone Attack” ang United States of America sa ilang bahagi ng Mindanao, na inilabas naman ng isang New York base news paper .

“That’s against the law, the United States does not participate in (actual) military operations here in the Philippine , that’s against the law…they only do sharing of information, training but other than
that none,” ayon sa tagapagsalita ng  AFP

Ayon kay AFP Spokesman Col. Arnulfo Marcelo Burgos, walang katotohanan ang lumabas na article sa New York times sa Amerika, hinggil sa sinasabing “drone strike” ng US government sa Mindanao.

Ayon sa opisyal, hindi umano pinahihintulutan sa ilalim ng batas ang direktang partisipasyon ng foreign military forces sa Pilipinas.

Pero aminado si Burgos na nagkakaroon ng “sharing of information” at training ang US forces sa bansa.

Sa artikulong lumabas sa New York Times noong July 6, 2012 na sinulat ni Mark Mazzetti, ibinulgar nito ang ginawang bombing operation ng Amerika sa Mindanao, gamit ang isang “American Predator unmanned aerial vehicle” o drone noong 2006.

Target umano ng operasyon ay ang Indonesian Bali-bomber na si Umar Patek. Kamakailan lamang ay nahatulan ng Indonesian court si Patek ng 20-year jail term dahil sa kaugnayan nito sa nangyaring Bali bombing incident.

Nilinaw din ni dating AFP Chief of Staff Gen Hermogenes Esperon Jr. : ” meron tayong mga pinapalipad dyan na ano, surveillance pero hindi yung attack ng drones… , may pinalipad but did not participate in actual operations like attack.”

Sinabi pa ni Esperon na noong mga panahong iyon, wala pang mga attack drones dahil kasalukuyan pa lamang dine-develop ang mga unmanned aerial vehicle na ginagamit lamang sa mga surveillance operation.

Niliaw pa ng heneral na noong panahon niya hanggang sa taong 2006, mayroong  joint special operations group sa jolo subalit hindi sila sumasali sa mga attack or military operation sa halip ay aktibo lamang sila (US) technical assistance, (intel) technical assistance, at training.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply