Drug-free barangay nakukuha lang sa lagay (2)

LIBO-libong ang galit na galit sa pamunuan ng Home Mutual De-velopment Fund na mas kilalang Pag-Ibig Fund dahil sa anila ay mali at misleading na loan package na inialok nito kamakailan sa mga kasapi nito sa buong kapuluan.

Ang kalye ng Elias malapit sa SM San Lazaro ay pugad ng maraming tulak ng droga.

Isa na rito si Marie na sinasabing malakas sa ilang pulis bagaman ilang beses na rin itong nahuli.

Kamakailan lamang ay nakapiit itong si Marie dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drug law subalit ngayon ay laya na ito dahil may nagpiyansa sa kanya.

Subalit malakas ang paniniwala ng ilang residente na si Marie ay tinulungan ng ilan sa kanyang mga malalaking supplier at maging ng ilang adik na sa kanya kumukuha ng droga upang makalaya.

Isa raw sa umaasa kay Marie sa supply ng “shabu” ay isang nagngangalang Alan na madalas ay ka-jamming din ni Marie sa pagsinghot ng usok ng shabu.

Aba’y bakit hindi nahuhuli itong Alan na madalas ay errand o runner ni Marie sa pagtutulak ng droga?

Balita sa pansitan ay may malaking tao raw na umaalalay kay Alan o umaarbor sa pulis kaya hindi ito hinuhuli.

Takot ba ang hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police o kahit ang Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Station 3 sa protektor ni Alan at Marie kaya hindi nila hinuhuli?

Mas dapat matakot ang mga opisyal ng pulisyang ito kay Manila Mayor Alfredo Lim dahil sinisikap ng alkalde na malinis ang kanyang nasasakupan mula sa mga salot sa lipunan.

Mayor Lim, kastiguhin n’yo nga po ang mga pulis na ganito ang gawi at hindi sumusunod sa inyong kagustuhan na ang Maynila ay maging drug free city.

# # #

Salamat po ng marami sa mga mabubuting empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) na sina Winroe Jabonete, ng Deputy Director for Special Investigation at Limgas Daluma, ng Quality Control.

Nawa’y ipagpatuloy po ninyo ang inyong pagtulong ng buong katapatan. Taos puso rin pong pasasalamat para kay Atty. Edmund Arugay na matagal na kaibigan sa NBI.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean-11@yahoo.com

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply