Drug-free barangay nakukuha lang sa lagay

BATID naman ng marami lalo na ng mga opisyal ng baran-gay na talamak na ang ben-tahan ng droga saanmang bahagi ng bansa lalo na sa Kamaynilaan.

Nakapangingilabot isipin na ang ilan pa sa mga nag-bibigay ng proteksyon sa mga tulak o pusher ay opis-yal ng barangay o maging ng pulisya na dapat sana ay kabahagi ng pamahalaan sa pagsugpo sa salot na ito ng lipunan.

Sa Maynila, para lang maging sikat ang ilang Pu-nong Barangay na dating kilala sa tawag na Barangay Chairman ay nagpupumilit silang kaibiganin ang station commander na nakakasakop sa kanyang lugar upang ideklara itong drug-free.

Umaabot pa ang PB sa pagsisipsip sa commander para lang masabing walang droga sa kanyang lugar ga-yong sa totoo lang ay tala-mak ang bentahan rito. Kaya madalas ay pati ang mga ito ay naglalagay sa pulis. Isa sa pinakatalamak ang benta-han ng droga sa Maynila ay ang ilang bahagi ng nasa-sakupan ng Station 3, 4, 7 at 10. Hindi kaila sa mga opis-yal ng pulisya at barangay ang naghuhumindig na ka-totohanan subalit pilit itong itinatanggi ng mga opisyal ng barangay upang maging “pogi” lang sila sa mga mata ng mga namamalakad ng lungsod ng Maynila.

Ang kalye ng Elias mala-pit sa SM San Lazaro ay pugad ng maraming tulak ng droga. Isa na rito si Marie na sinasabing malakas sa ilang pulis bagaman ilang beses na rin itong nahuli. Kamaka-ilan lamang ay nakapiit itong si Marie dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o dan-gerous drug law subalit ngayon ay laya na ito dahil may nagpiyansa sa kanya.

Subalit malakas ang pa-niniwala ng ilang residente na si Marie ay tinulungan ng ilan sa kanyang mga malala-king supplier at maging ng ilang adik na sa kanya kumu-kuha ng droga upang maka-laya. (ITUTULOY)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply