‘Drug Queen’ ng Taguig, 2 pa natimbog

TATLO katao kabilang ang tinaguriang “Drug Queen” ng Taguig ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang drug buy bust operation sa kahabaan ng Kalayaan Street, Barangay Ususan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Andrea D. Escalante, 23; Daniel V. Datinggaling, 40 at si Elisa R. Tinga o alyas Ely, 49, tinaguriag Drug Queen ng Tagiug at kabilang sa Top 3 Target List ng Taguig Police.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-9:00 ng gabi noong Sabado nang madakip ang mga suspek.

Bago ito isang inpormante ang nagturo sa kinaroroonan ng mga suspek.

Nang ikasa ang operasyon sa lugar ay naaktuhang nagbebenta ang mga suspek ng may 17 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Sinampahan ng magkakahiwalay na kaso ng paglabag sa RA 9165 ang tatlong suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply