DTI: Titiyakin na ang mga helmet sa merkado pasado sa pamantayan

UPANG matiyak ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakapasa sa pamantayan na kanilang ipinatutupad ng ang mga ibinebentang helmet sa merkado, nakatakdang mag-ikot ang mga tauhan ng naturang ahensiya sa mga tindahan ng helmet.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, ipapaskel nila sa mga susunod na araw kung anong uri o brand ng mga helmet ang pumasa sa kanilang pamantayan o sa government safety standards  na ligtas gamitin ng mga motorcycle riders.

Ito, aniya, ay isa ring paraan upang hindi na bumili pa ng mababang uri ng helmet ang mga nagmomotorsiklo at umiwas na rin ang mga tinadahan na magbenta ng peke o hindi nakapasa sa pamantayang ipinatutupad ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Maglaya na ipinasiya nilang ikutan na ang mga tindahan na nagbebenta ng helmet upang sila na mismo ang maglagay ng sticker ng Import Commodity Clearance (ICC) at matiyak na pasado sa government safety standards ang mga nasa tindahan at hindi peke ang mailalagay na stickers.

Nagpasiya rin ang DTI na magsagawa rin ng pagsusuri at pagtatatak ng ICC sa mga helmet ng mga motorcycle riders sa Rizal Memorial Stadium upang maibsan ang napakahabang pila sa kanilang mga sangay.

Napagalaman na ilang insidente ng pagkawala ng motorsiklo ang naitala ng pulisya sa ilang sangay ng DTI na dinaragsa ng mga nagpapalagay ng ICC dahil sa kahirapan ng paradahan habang ang ilan naman ay na-wrecker ng towing company dahil hindi wasto ang lugar na pinagparadahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply