Dump truck nawalan ng preno: 4 makikipaglibing patay

APAT katao ang patay habang 16 ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang dump truck at mahulog sa isang mababaw na bangin sa Sitio Cocob Barangay Kuya South Upi, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Flordelize Binas, Bonbon Binas, Fennie Tecson at Joyjoy Samillano na pare-parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Isinugod naman sa Lebak District Hospital ang mga nasugatan na sina Robert Valderama, Lucrecia Depeta, Erik John Rey Arisola, Margelyn Ogatis, Alberto Teczon, Connie Samillano, Esperanza Panes, Cherry Samillano, Ronnie Beradia at Alejandro Beradia.

Batay sa report ng South Upi PNP, nagmula sa Koronadal City ang mga biktima at patungo sana sa bayan ng Lebak para makilibing sa kanilang kamag-anak.

Napag-alamang pag-aari ng provincial government ng Sultan Kudarat ang naturang dump truck at nakisakay lamang ang mga biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply