Dyarista binaril ng nakaalitan sa van

CAVITE-Humantong sa pamamaril ang pagtatalo ng isang editor ng pahayagan at kapwa nito pasahero sa bayan ng Bacoor kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Romano Cardiño ang biktima na si Manolo Pedralvez y Chan, 52, Sports writer/editor ng Malaya newspaper at residente ng Blk. 4 Lot 19, Phase 8, Buenaventura St.,  Bahayang Pag-asa Subd., Imus, Cavite na patuloy pang nilalapatan ng lunas sa Prime Global Hospital.

Nakatakas naman ang suspek na si Alejandro Bantog y De Guzman, alyas “Ka Andring,” 57, dating OFW at residente ng Blk 10 Lot 11, Apacible St., Phase II-B, Bahayang Pag-asa Molino 4, Bacoor.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jerome Rosales Ubaldo II, dakong alas-6:50 ng gabi ay sakay ng utility van ang biktima at suspek na kasama ang asawa nitong si Melinda Bantog galing ng Harisson Plaza.

Nang pababa na ang mag-asawa sa tapat sa Barangay Molino 3 ay aksidenteng naipit ng mga kamay ng biktima ang extended na upuan dahilan upang magalit ang suspek na humantong sa pagtatalo.

Sa gitna ng sagutan ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa hita.

Tumakas ang suspek ngunit dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya sa pamumuno ni P/Insp. Dexter Capua ay napigilan ang asawa nito  na siya ngayong nakikipagtulungan sa pulisya upang maibigay ang larawan ng asawa at makumbinsi itong sumuko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply