Dyip sumalpok sa bahay, 6 sugatan

TINATAYANG anim ang nasugatan kabilang na ang driver ng isang pampasaherong dyip makaraang bumaligtad at sumalpok sa  pader ng isang bahay sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Nabatid na mabilis ang pagpapatakbo ng naturang dyip na may biyaheng  Bagong Silangan-Ever Gotesco nang mawalan ito ng kontrol bunsod ng pagkawala ng preno at  bumaligtad saka dumiretso sa bakanteng lote at bumangga sa pader ng isang bahay.

Wasak ang dyip at sugatan ang mga pasahero nito kabilang na ang driver ng naturang sasakyan na kinilalang si  Edwin Pipig.

Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply