Dyip sumirko: 1 kritikal, 14 pa sugatan

KRITIKAL ang drayber ng multicab matapos itong bagsakan ng bumaligtad na dyip sa Tagoloan, Misamis Oriental kaninang alas-7:00 ng umaga.

Sa ulat, tinatahak ng dyip na minamaneho ni Rey Apali, ang national high-way sa nasabing lugar nang mag-overtake ito sa isang motorsiklo.

Nawalan ng kontrol ang dyip kaya bumaligtad ito at bumagsak sa kasalubong na multicab na dala naman ni Leonardo Barrion.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima kabilang si Barrion na nasa malubhang kalagayan.

Agad na sumuko ang drayber ng dyip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply