Dyip tumagilid: 20 titser sugatan

PITO na lamang ang daliri sa kamay ng isang estudyante habang sugatan naman ang ilan pang kaklase nito at mahigit sa 20 titser nang tumagilid ang kanilang sinasakyang pampasherong jeep sa Cagayan de Oro City.

Ang biktimang si Felipa Cariliman, 14-anyos ay naputulan ng tatlong daliri sa kanang kamay habang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang iba pang estudyante na sina Harold Mase, Julian Macwinston, Charmaine Japon, Nimrose Suwayan, Monalisa Capa at Almera Tinabay na pawang estudyante ng Lumbia National High School.

Sugatan din sa insidente ang mga guro na mula rin sa Lumbia National High  School pero siyam lamang ang nakuha ang mga pangalan at kinilalang sina Elmera Enerio, Lolita Espadilla, Marites Tica, Shiela Bautista, Melanie Barcubero, Arcile Mellisa, Neiva Cepeda, Judith Borenaga at Ma’am Balensona.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng dyip na si Jovani Larete, residente ng Barangay Lumbia, sa CDO  para panagutin sa insidente.

Sa ulat ni Senior Insp. Ericson Sabanal, hepe ng Lumbia Police Station, dakong alas 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa national highway ng Barangay Lumbia.

Ayon kay Sabanal,  lulan ang mga biktima sa nasabing jeep na minamaneho ni Larete.

Pagsapit sa lugar, nawalan ng preno ang PUJ sa kasagsagan ng mabilis nitong takbo kaya tumagilid at tumilapon sa daan.

Samantala, tiniyak ni City Administrator Atty. Leon Gan na bibigyan nila ng kaukulang tulong ang mga guro at mag-aaral na pawang dinala sa JR Borja Memorial City Hospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply