Earthquake intesity meter, ilalagay ng PHIVOLCS

MAGLALAGAY ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)  ng 100 earthquake intensity meter sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas blang paghahanda sa anumang posibleng mas malakas pa na mga pagyanig sa bansa.

Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum, sa lingguhang Balitaan sa Tinapayan, na ang intensity meter ay gagamitin upang mas mabilis na matukoy at nalaman ang tamang detalye sa lakas ng pag-uga ng kalupaan na apektado ng isang lindol.

Aniya, uunahin ilagay ang 40 intensity meter sa Metro Manila at mga karating na lalawigan na makakatulong sa agarang pagtukoy sa mga lugar na posibleng magkaroon ng mga pinsala kapag may malakas na lindol.

Bukod sa intensity meter, sinabi ni Solidum na dalawang unmanned seismic monitoring center ang itatayo sa Davao del Sur at Pangasinan bago matapos ang taon para sa target na 69 ngayong 2012 .

Sa 2016, aasahan, aniyang, makukumpleto ang 85 seismic monitoring center sa bansa.

Sinimulan na rin ang paglalagay ng mga ultrasonic tide guage sa Lingayen Gulf na magagamit sa monitoring ng tsunami at storm surge.

Bukod sa Linggayen, lalagyan din ng mga tide guage ang Manila Bay, Subic Bay, Batangas Bay at Albay Gulf bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply