Economic bills prayoridad ng Senado

IPAPRAYORIDAD ng Senado ang mga panukalang pang-ekonomiya sa pagbubukas ng 3rd regular session ng Kongreso bukas.

Sa pahayag nitong Linggo, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na magpapatuloy na kikilos ang Senado sa pagbubukas ng Kongreso upang tugunan ang pangangailangan ng bansa sa ekonomiya kabilang ang ilang panukala na makabubuti sa mamamayan at bansa.

“The improvement of the economy is the government’s vital concern. We wish to generate an economic climate that encourages the creation of goods and services in a playing field that is intentionally made fair for all,” ayon kay Enrile.

Sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes, maghahatid si Enrile ng kanyang opening speech sa umaga bago pangunahan ang mga senador sa hapon upang lumahok sa joint session ng Kongreso at pakinggan ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi pa ni Enrile na magkakaroon ng caucus ang Senado sa Martes upang talakayin ang priority bills kabilang ang local bills na nangangailangan ng mabilisang atensiyon.

Nakatakdang maipasa sa ikatlong pagbasa ang SBN 3199 na lilikha sa  Department of Housing and Urban Development (DHUD) upang tugunan ang pangangailangan ng pabahay.

Dagdag dito, bibigyang prayoridad ng Senado ang Senate Bill 3098 o ang Anti-Trust Law, na naglalayong ipagbawal ang pagbubuo ng anti-competitive mergers at anti-competitive conduct;  People’s Ownership over Government Information (POGI);  Reproductive Health Bill,   Coconut levy fund; SBN 3093 o ang filing of false complaints against public officers as an aggravating circumstance of perjury; SBN 2857 o institutionalizing the participation of civil society organizations in the preparation of the annual national budget; SBN 107 na naglalayong pagsumitihin ang lahat ng opisyal at emplead ng gobyerno ng waiver sa bank deposit; SBN 3114 o ang  strengthening of the political party system at SBN 3123 na naglalayong amendahan pa ang Anti-Money Laundering Act.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply