Elective positions sa 2013 elections mahigit 18,000

INIULAT ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 18,000 elective positions ang nakatakdang punuan sa idaraos na May 2013 midterm elections sa bansa.

Batay sa Election Records and Statistics Department (ERSD) ng Comelec, kabilang sa mga national positions na pupunuan ay 12 senador at 57 partylist representatives.

Kabilang naman sa ihahalal para sa lokal na posisyon ay ang mga miyembro ng House of Representatives (229); Gobernador (80); Bise Gobernador (80); Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (766); City Mayor (138); City Vice Mayor (138); Miyembro ng Sangguniang Panglungsod (1,532); Municipal Mayor (1,496); Municipal Vice Mayor (1,496); at miyembro ng Sangguniang Bayan (11,972).

Bukod rito, para naman sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay maghahalal ng isang Regional Governor; isang Regional Vice Governor at 24 na Regional Assemblymen.

Salig sa Comelec Resolution 9385, ang election period para sa 2013 midterm elections ay itinakda mula Enero 13, 2013 hanggang Hunyo 12, 2013.

Nabatid na ang filing ng Certificates of Candidacy para sa lahat ng elective positions ay nakatakda mula Oktubre 1, 2012 hanggang Oktubre 5, 2012.

Itinakda naman ang campaign period para sa mga kandidato para sa national positions mula Pebrero 12, 2013 hanggang Mayo 11, 2013 habang ang panahon ng pangangampanya para sa local positions ay itinakda mula Marso 29, 2013 hanggang May 11, 2013.

Inaasahang magkakaroon ng pahinga sa pangangampanya ang mga kandidato sa pagkasenador at partylist representatives sa Marso 28 at 29 upang bigyang-daan ang paggunita ng Simbahang Katoliko sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply