Electrician nakuryente, patay

NAMATAY ang isang 35 anyos na electrician, matapos makuryente nang umano’y madikit ang katawan sa isang live wire nito habang nagkakabit ng linya sa Quiapo, Manila, iniulat ng pulisya.

Hindi na umabot ng buhay sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Jonnie Ardeba, may-asawa, ng 6 Sta Barbara St, Tipas, Taguig City at umano’y isang batikang electrician.

Base sa ulat na isinumiti ni  Det. Benito Cabatbat, kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation section, dakong 12:30 ng tanghali, kamakalawa nang naganap ang insidente sa loob ng IT office sa 9th floor Corporate Bldg., 1958 CM Recto sa panulukan ng Matapang St.,sakop ng  Quiapo.

Bago ang nasabing insidente, bandang 11:23 ng umaga nang pumasok ang biktima sa IT office upang magkabit ng linya ng kuryente nang madikit ang katawan nito sa isang live wire at mahulog mula sa isang tinutungang ladder na aluminum.

Isinugod ang biktima sa nasabing hospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay, dahil sa matinding pinsala na tinamo ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply