Empleyado ng BSP natagpuang patay

MASANGSANG na amoy mula sa bangkay ng 37-anyos na empleyado ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naging dahilan para malaman ang pagkamatay ng biktima sa tinutuluyang silid nito sa ika- 4 palapag ng condominium sa Malate, Manila.

Kinilala ang biktima na si Jeorge Cortez , ng Rm. 4003 ng Grand Tower sa P. Ocampo St., Malate.

Sa ulat na isinumite ni Det. Amelito Lopez kay P/Sr., Insp Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section,  alas 2:30 ng hapon kanina, nang madiskubre ang namamaga nang bangkay ni Cortez.

Hinala naman ng pulisya na posibleng inatake sa puso ang biktima dahil wala namang nakitang palatandaan na pinatay ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply