Senado wala na ring pasok

KINANSELA na rin ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pasok ng mga empleyado ng Senado ngayong araw.

Ito ay dahil pa rin sa matinding pag-ulan na naranasan ng mga taga-Metro Manila ngayong araw dulot ng umiiral na low pressure area.

Ayon sa ulat, nakarating sa tanggapan ng Senate President na maraming empleyado ng Senado ang hindi makakapasok sa trabaho dahil sa lubog na sa baha ang lugar ng mga ito.

Sa mga oras na ito, patuloy ang pag-ulan sa Kalakhang Maynila na nagdulot ng baha at mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lansangan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply