Energy at Tigers matira ang matibay

TATLONG teams ang nakasampay sa pang-anim na puwesto kaya kailangan ng double playoff upang malaman kung sino ang papasok sa semis sa 2012 PBA Governor’s Cup.

May kartang 4-5 win-loss slate ang Barko Bull Energy, Meralco Bolts at Powerade Tigers kung saan maghaharap bukas ang una at huli para sa first playoff na gaganapin sa Araneta Coliseum at ang mananalo ay sasampa sa second playoff bukas sa nasabing venue.

Bumomba ng 22 puntos si import Leroy Hickerson upang magkaroon ng three-way tie matapos ang 81-79 panalo ng Energy laban sa Bolts kagabi.

Hawak ng Bolts ang mataas na quotient kaya sila ang nag bye sa unang playoff.

Nag-ambag si Danny Seigle ng 16 puntos at 10 naman ang kay Ronald Tubid para sa Barako Bull.

Kinapos naman ang 40 puntos ni Mark West para isampa na agad ang Meralco sa semis.

Sumegundo kay West sa opensa si Asi Taulava na may 15 pts. habang walo ang binakas ni Mac Cardona.

Sasandal ang Tigers kila Gary David at Dwyane Jones para makalusot sa playoff na mag-uumpisa ng 6:45 ng gabi.

Samantala, ang limang teams na nakapasok na sa semis ay Rain or Shine Elasto Painters (8-1), B-Meg Llamados (6-3), Talk ‘N Text Tropang Texters (5-4), Petron Blaze Boosters (5-4) at Brgy. Ginebra Kings (5-4).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply