Enrile, Belmonte makikipagtuos kay PNoy

SA LUNES na nakatakdang makipagpulong sina House Speaker Feliciano Bbelmonte at Senate President Juan Ponce Enrile kay Pangulong Aquino.
Ito ang huling pamamaraan ng Kongreso para isalba ang hakbang na amiyendahan ang saligang batas.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales sa malakanyang magaganap ang pakikipag-meeting nina Belmonte at Enrile sa pangulo.

Giit ni Gonzales na sinabihan na siya ni Belmonte para sumama sa chacha meeting na ito.

Ipapaliwanag umano nila sa presidente ang kahalagahan na marebisa ang economic provision ng konstitusyon para mas maging mabilis ang paglago ng ekonomiya.

Aminado si Gonzales na posibleng “make or break” para sa chacha ang meeting sa lunes.

Nauna rito ay sinabi ni Minority Leader Danilo Suarez na makabubuting makipagpulong kay Pangulong Aquino ang liderato ng Kongreso upang alamin sa pangulo ang pangangailangan at limitasyon ng gagawing pag-amienda sa saligang batas.

Sa ganitong paraan ay hindi aniya bubuksan ang mga isyung dapat ay hindi na galawin sa sandaling maisulong na ang cha-cha.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply