‘Enteng’ nakalabas na ng bansa

NAKALABAS na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Enteng.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 1,100 kilometro east northeast ng Basco, Batanes.

Patuloy na kumikilos si Enteng sa bilis na 30 kilometro kada oras sa west nortwest at may lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Bandang alas-otso kagabi nang makapasok sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, hindi naman nakaapekto sa Pilipinas si Enteng dahil dumaan lamang ito at nasa itaas na bahagi ng bansa na malayo sa kalupaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply