EV-71, pinapamonitor ng Palasyo

MAHIGPIT na pinapa-monitor  ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Health (DoH) at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno ang pagpasok ng enterovirus 71 (EV-71) na sanhi ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa airport pa lamang ay nais na ng Pangulong Aquino na walang makalusot na nagdadala ng nasabing virus.

Ang dalawang kaso ng hand, foot and mouth disease na naitala ng DoH ay local cases lamang.

Nabatid na hindi galing sa labas ang mga virus dahil hindi bumiyahe sa labas ng bansa ang mga biktima.

Bukod dito, nakatutok din ang DoH at Bureau of Quarantine sa kakaibang sakit sa Cambodia na ikinamatay ng ilang katao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply