EO 79 ni PNoy ‘di sapat – Loren

HINDI kuntento si Sen. Loren Legarda sa Executive Order 79 ni Pangulong Benigno Aquino III sa mining.

Kabilang sa kautusan ang pagbabawal sa pagmimina sa 78 tourism sites, lupaing pansakahan, marine sanctuaries at island ecosystems.

Ani Legarda, hindi nasagot sa E.O ang lahat ng issues partikular ang mga panuntunan sa mga existing mining contract at ang hindi pantay na pamamahagi na dapat tanggapin ng gobyerno sa mga mining company.

Sa ngayon, dalawang porsyento lamang ng excise tax ang tinatanggap ng pamahalaan bilang share sa kita ng mga mining company.

Dismayado rin ang senadora dahil sa laki ng kinikita ng mga naturang kompanya at dami ng trahedya na idinudulot ng mga pagminina ay “mani” o barya lamang ang tinatanggap ng pamahalaan sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply