EO 79 opisyal nang nilagdaan ni PNoy

OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas para sa malawakang reporma sa industriya ng minahan sa ilalim ng Executive Order No. 79 na naglalayong palakasin ang environmental protection,  i-promote ang responsible mining at bigyan ng mas patas na revenue-sharing scheme bunsod na rin ng pagsasaayos ng sektor.

Ani Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., ang bagong presidential directive na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong Hulyo 6 ay nakatuon upang ayusin ang polisiya at regulasyon ng mining industry  sa bansa at gawing mas transparent at accountable ang lahat ng sasali rito.

Ang presidential order ay ibinatay sa joint resolution ng Cabinet clusters on climate change adaptation and mitigation, at economic development na may petsang Marso 16, 2012 para i-improve ang environmental mining standards at palobohin ang buwis para mapanatili ang tinatawag na “development and social growth, kapwa sa national at local levels.

Ang mining contracts, concessions at agreements na inaprubahan bago pa ang pagpapalabas ng bagong direktiba ay mananatiling epektibo sa kondisyong sinusunod ng kompanya ang umiiral na batas, rules and regulations, at terms and conditions.

Walang bagong mineral agreements ang ipalalabas habang nakabinbin ang  pagpapasa ng naturang batas  na magra-rationalize ng revenue-sharing schemes at mekanismo.

Kaugnay nito, magsasanib puwersa ang DENR at Departments of Budget and Management (DBM) at Finance (DoF) upang siguruhin na nasa tamang pagpapalabas ng share para sa local government units (LGUs).

Magpapatuloy aniya ang pagpapalabas ng DENR ng exploration permits sa ilalim ng umiiral na guidelines at laws, at ang tinatawag na “grantees” ay bibigyan ng karapatan  para develop at i-utilize ang minerals sa kani-kanilang mga lugar sa oras na maging epektibo na ang bagong batas.

Sinabi pa rin ni Ochoa na ang presidential directive ay naglalayon pa rin na ikasa ng buo ang environmental standards, atasan ang DENR at local government units (LGUs) na masiguro na ang large- at small-scale miners ay susunod sa  batas kundi ay mahaharap sa kaukulang kaparusahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply