EO ni PNoy sa pagmimina, short term solution lang – CBCP

UMANI ng malamig na pagtanggap mula sa Simbahan ang  nilagdaang  Executive Order (EO) ng Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa bagong mining policy ng gobyerno.

Ayon kay  Catholic Bishops Conference of the Philippines- Nnational Secretariat for Social Action Justice and peace (CBCP-NASSA) Chairman  at Manila Auxiliary Bishop Bishop Broderick Pabillo na ang nasabing kautosan ay  inaasahang  “short term resolution “ lamang ang batas na maibibigay.

“Hindi natin makaikakaila na ang pagmimina ay may negatibong epekto sa sitwasyon ng mga mahihirap sa ating bansa  lalo na sa mga magsasaka, mangingisda, indigenous people, everyday we are confronted with the reality that it has to be changed,” ayon pa sa Obispo.

Ginawa ng Obispo ang pahayag matapos na ihayag ng Malakanyang na bukas (Hulyo 9)  ay ilalabas na ang nilagdaang EO ng pangulo para sa bagong mining policy.

Giit ni Bishop Pabillo, mas gugustohin pa umano nila ang Alternative Minerals Management Bill (AMMB) na ngayon ay nakabinbin pa rin sa Kongreso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply