EO sa pagmimina ilalabas bukas – Malakanyang

ILALABAS na bukas, Hulyo 9 ang Executive Order ng bagong mining policy ng bansa makaraang lagdaan ni Pangulong Benigno  Aquino III.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa hapon ng Lunes magkakaroon ng briefing si Environment Sec. Ramon Paje para ipaliwanag ang executive order.

“Let me qualify why. Isasabay po ni ES ang pag-release po ng EO at saka ang pag-present po ni Secretary Paje, OK. The is the decision so that para walang agam-agam dito po sa EO na ito dahil marami hong nag-aabang at matagal na po itong inaabangan po ng business specially mining industry at saka ng mga environmentalists. Ipapaliwanag po ni Secretary Mon Paje ang EO on mining. Secretary Paje will be briefing the EO. He will be explaining the EO,” ayon kay Sec. Lacierda.

Matatandaang ilang ulit na naantala ang pagpapalabas ng bagong EO at pinabalik pa ng Pangulong Noynoy Aquino ang draft sa tanggapan ni Executive Sec. Jojo Ochoa bago tuluyang pinirmahan.

Ayon kay Lacierda, matagal na hinintay ng mga stakeholders ang EO kaya mahalagang malinawan ang mga kontrobersyal na probisyon.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung EO 79 ang EO sa mining at hindi pa nito masabi kung kailan nilagdaan ito ng Chief Executive.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply