Epektibo ang tandem sa hosting nina Senator Chiz Escudero at Kris Aquino

SA PAGSALI niya sa show, mas lumaki ang mileage sa kanyang political career. Meaning, kahit nga di pa siya mangampanya dahil until 2016 pa ang term niya, already, nagmarka na siya nang husto sa publiko. Kapag nagtuluy- tuloy ang exposure niya bilang TV host ng Dos, walang salang magiging icon rin si Chiz Escudero.

Extended nga ang hosting job ni Sen. Chiz Escudero sa morning show niyang Kris TV. Sa halip na isang buwan (five weeks) tulad ng orihinal na plano ay magiging 2 and a half months na ito equivalent to 10 weeks.

“I have good news for everybody. Allow me to share the good news to all of you right now. Dapat kasi five weeks tayong magsasama nitong July. But we just got word, thank you for liking our tandem because na-times two ’yon. So eight more weeks pa nating kasama si Senator Chiz Escudero, wala kang ligtas,” sey ni Kris.

Nagsimula si Sen. Chiz na mag-co-host kay Kris noong July 2. Ang orihinal na plano, buwan-buwan ay magkakaroon ng bagong co-host ang Queen of All Media sa kanyang bagong show pero dahil nga sa magandang resulta ng pagsasama nila ni Sen. Chiz, naging two months ang duration ng kanyang first co-host.

Hindi kaya after two months ay mabago na naman ang plano at gawin nang regular co-host ang Senador?

May Jake na, may Kristoffer pa…Bea Binene namamangaka sa dalawang ilog

INIINTRIGA ngayon sina Bea Binene at Barbie Forteza. Lalabas na kasi ang character nila sa Luna Blanca at sabi nila, mas maraming exposure si Bea kesa sa kasama niyang si Barbie.

Bilang Luna raw, sa kanya umiikot ang istorya at mga iba pang characters samantalang nakapako lang sa isang anggulo ang character ni Barbie. First is Gina Alajar as Linda, the woman she saves from being buried alive in the dumpsite who later on adopts her. Then, there’s Gina’s husband, Allan Paule. She also has more villains who’ll oppress her: Marissa Delgado, Chynna Ortaleza and Ryza Cenon.

She’s paired off with Kristoffer Martin, who plays a singer with Yassi Pressman as his showbiz ka-love team. When he falls for Bea, Yassi also becomes another antagonist to Bea.

Samantala, may mga reklamo si Bea tungkol sa hirap na dinaranas niya sa make up niya bilang Luna.

“Sa face and neck po, hanggang sa likod ko, they put on black make up,” sabi niya. “Pero sa arms and legs, airbrush po, paint na ini-spray ang ginagamit sa’kin. It takes two hours to darken me and it takes one hour naman to remove all the black paint and make up. Kailangan kaskasin mo muna ng oil then I take a bath. Nagka-rashes na nga po ako.”

Doesn’t she miss Jake Vargas? “Nakaka-miss nga kasi in all my past shows, siyang kapareha ko. Birthday niya kahapon (July 9) and I greeted him sa text. But okay rin namang kapareha si Kristoffer. Naging friends na kami sa Tween Hearts so comfortable na kami with each other.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply