Erap: National Artist Award kay Dolphy, wala ng kwenta

WALA nang kabuluhan ang ibibigay na National Artist award kay Dolphy dahil sa pagpanaw ng tinaguriang Hari ng Komedya.

Ayon kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, matagal nang dapat ipinagkaloob ang parangal kay Dolphy habang ito ay nabubuhay at may pagkakataong malasap ang karanagalan.

Ayon kay Erap, long overdue na at marami ng Pilipino ang kanyang napasaya at napatawa hindi na dapat na hinintay pang pumanaw na siya bago ito ibinigay at dapat noong malakas at buhay pa ito.

Sinabi ni Erap na karapat dapat naman si Dolphy na makuha ang naturang award dahil na rin sa tagal niya sa industriya ng pelikula at telebisyon at sa laki na rin ng kanyang naging kontribusyon sa industriya.

Pumanaw si Dolphy kagabi sa edad na 83 bunsod na rin ng multiple organ failure dulot ng kumplikasyon sa pneumonia at renal problem.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply