Estudyante binoga ng sekyu, sugatan

SUGATAN ang isang estudyante makaraang mabaril ng security guard ng isang paaralan sa Pilar, Capiz.

Nagtamo ng sugat sa binti si Erwin Beldia, 20, ng Barangay Natividad, Pilar makaraang barilin umano ng sekyu na si Mansueto Villar, 63, sa Mariano National High School.

Nabatid na nagpumilit umano ang biktima na makapasok sa paaralan sa kabila ng hindi pagbibigay ng pahintulot ng guwardiya bilang pagsunod sa utos ng principal na hindi na papapasukin ang mga estudyanteng late nang dumating sa eskwelahan.

Ngunit nang makakita ng pagkakataon ang grupo ng biktima ay pumasok sila at inundayan ng suntok ni Beldia ang security guard na nasugatan sa ilong at bibig.

Sa pangamba ni Villar na muli siyang susuntukin ni Beldia ay kinuha na nito ang pistola at saka binaril ang lupa ngunit natamaan ang paa ni Beldia.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek.

Narekober ng Pilar PNP ang armas na ginamit sa pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply